Mga Karaniwang Problema sa Panggitnang Tainga
Posibleng sanhi ng bagay na nangyari habang ipinapanganak o pagkapanganak (congenital) ang mga problema sa panggitnang tainga. Posibleng namanang kundisyon ito. O posibleng dahil ito sa mga gamot o sa impeksyon ng virus tulad ng hepatitis, HIV, syphilis, o cytomegalovirus. Sa paglipas ng panahon, ang paglaki ng partikular na bahagi o sakit sa buto na puwede ring makasama sa panggitnang tainga. Kapag hindi nalunasan, kadalasang nauuwi sa panghabang-buhay na pagkawala ng pandinig ang mga problema sa panggitnang tainga.
May 3 pangunahing bahagi ang tainga: panlabas na tainga, panggitang tainga, at panloob ng tainga. Ang panggitnang tainga ay gawa sa:
Mayroong 3 uri ng pagkawala ng pandinig:
-
Conductive na pagkawala ng pandinig (Conductive hearing loss). Sanhi ito ng bagay na humahadlang sa tunog na makapasok sa panloob na tainga.
-
Sensorineural na pagkawala ng pandinig (Sensorineural hearing loss). Naapektuhan ng uring ito ang panloob ng tainga (cochlea) o auditory nerve.
-
Magkahalo na pagkawala ng pandinig (Mixed hearing loss). Kumbinasyon ito ng conductive at sensorineural na pagkawala ng pandinig.

Puwede ring maging sanhi ng mga nararamdaman mo ng sintomas ang pagkapinsala, impeksyon, at ilang partikular na paglaki, o sakit sa buto. Puwedeng maging napakasakit ang pagkakaroon ng may bitak na eardrum o pangmatagalang (chronic) impeksyon sa tainga.
Mga Sintomas
-
Pagkawala ng pandinig sa isa o magkabilang tainga.
-
May lumalabas na likido sa tainga, kadalasang mabaho ito
-
Katamtamang pananakit o presyon sa tainga
-
Pagtunog sa tainga
Mga uri ng pagkawala ng pandinig
Conductive hearing loss
Posibleng magulo ang mga sound wave bago ito makapasok sa panloob na tainga. Kapag nangyayari ito, puwede kang magkaroon ng conductive hearing loss. Puwedeng maging ipit na tunog ang malakas na mga tunog. At puwedeng mahirap marinig ang mga banayad na tunog.
Maaaring kabilang sa mga sanhi ang:
-
Likido sa panggitnang tainga
-
Impeksyon sa tainga (otitis media)
-
Impeksyon sa ear canal (swimmer's ear o external otitis)
-
Tutuli sa ear canal
-
May mga hindi canser (benign) na tumor na bumabara sa panlabas o panggitnang tainga
-
Butas sa iyong eardrum (butas na eardrum)
-
May bagay na nakabara sa panlabas na tainga
-
Istrutural na problema sa panlabas o panggitnang tainga
Ang ganitong uri ng pagkawala ng pandinig ay kadalasang nalulunasan sa pamamagitan ng gamot o operasyon.
Sensorineural na pagkawala ng pandinig (Sensorineural hearing loss)
Ito ang pinakakaraniwang uri ng panghabambuhay na pagkawala ng pandinig. Nangyayari ito pagkatapos masira ang panloob na tainga. Puwede rin itong mangyari kapag may mga problema sa mga nerbyu na naglalakbay sa panloob na tainga patungo sa utak. Makikita mong mahirap makarinig ng mga banayad na tunog. Puwedeng hindi malinaw ang malalakas na tunog. O puwedeng maging ipit ang tunog.
Maaaring kabilang sa mga sanhi ang:
-
Karamdaman
-
Partikular na mga gamot na nakakasira ng tainga
-
Pagkawala ng pandinig na nauugnay sa edad (presbycusis)
-
Kasaysayan ng pamilya sa pagkawala ng pandinig
-
Pinsala sa ulo
-
Pagkahantad sa malakas na ingay
-
Istrutural na problema sa panloob na tainga
Sa ilang kaso, puwedeng mahirap malaman ang sanhi ng sensorineural hearing loss. Ilang metabolic karamdaman, tulad ng diyabetes, ay iniugnay dito. Kung hindi maipaliwanag ang iyong pagkawala ng pandinig, malamang kailangan mo ng pagsusuri para matulungang malaman ang sanhi. Kabilang sa mga ito ang:
-
Pagsusuri ng lebel ng asukal sa dugo
-
Kompletong bilang sa dugo (CBC)
-
Mga pagsusuri sa paggana ng thyroid
-
Mga pagsusuri ng syphilis sa dugo
Sa karamihan ng kaso, hindi naaayos ang sensorineural hearing loss sa pamamagitan gamot o operasyon. Marahil kailangan ang mga hearing aid.
Mixed hearing loss
Ang ganitong uri ay nangyayari kapag ang conductive hearing loss ay nangyayari kasabay ng sensorineural hearing loss. Problema ito sa iyong panlabas o panggitnang tainga at sa iyong panloob na tainga. Puwedeng hindi ka makarinig nang mabuti sa iyo isa o magkabilang tainga.
Ang paglunas sa mixed hearing loss ay maaaring kumbinasyon ng gamot o operasyon, at ng mga hearing aid.